MGA PAHINA
Mabuhay!
Kampus Balita
PangKomunidad
PamBansa
Pangulong Tudling
Pananaw / Opinyon
Lathalain
Tula
Agham / Kalusugan
PanLibangan
Palakasan
Bumati!
Magsumite ng LIKHA
Patnugutan
Litratos
 

www.MNHS.tk

Lathalain

 



TINIG
ang Opisyal na Pahayagan ng Mabalacat National High School.
Hunyo - Octubre 2008

 


LATHALAIN

Sa Lupa ng Pagmamahalan

“Nais kong maulit ang dati kong araw, nang  munti pang bata sa piling ni nanay.”

            Tila gustong lumabas ng aking mga luha sa tuwing naririnig ko ang awiting iyan. Nais kong mamulat muli sa daigdig ng aking kamusmusan kung saan malaya kong nakakasama ang aking mahal na ama at masayang pamilya. Namuhay kami sa tahanang puno ng kasiyahan at pagmamahalan. Walang naririnig na bulyawan. Puro ngiti sa kanilang mukha ang aking nasilayan. Sama-sama kaming kumakain sa aming munting hapag-kainan. Magkakatabing natutulog sa maliit na higaan. Kahit mahirap ang naging buhay namin, naging kuntento kami dahil alam namin sa puso’t isip namin ay mananatili kaming masaya sa kabila ng mga problema.

            Biglang natapos ang kanta, bumalik sa kasalukuyan ang diwa ko. Napagtanto ko  magandang ala-ala na lamang pala iyon. Nagkakagulo-gulo kami. Puro sigawan at alitan na lang ang umalingawngaw sa aming tahanan. Nagbago ang lahat nang pumanaw si ama. Sa pagpanaw niya,ni hindi man lamang ako nakahingi ng tawad at di man lamang nabaggit ang katagang “Mahal na mahal kita,ama.”Sana,dumating uli ang araw na payapa kaming magkapiling. Huminga ako ng matalim,humiga sa damuhan at nasilayan ko ang kalangitan,ito ay puspos ng kapayapaan. May mga ibon na malayang naglalaro at sinasabay nila sa hangin ang paghampas sa kanilang mga pakpak.

                Saglit na natahimik ang kapaligiran,ipinikit ko ang aking mga mata,nakita ko si ama,palapit sa akin, hinagkan niya ko. Dumating din si ina kasama ang mga kapatid ko,masayang nagtatakbuhan ang mga kapatid ko,naglalaro sila kasama ang mga paru-paro. Nakita ko si ama at ina,tuwang-tuwang magkasama. Narinig ko ang paghampas ng alon sa karagatan,mga huni ng ibon,mga pagbayubay ng dahon. Tila umaayon din sila sa kasiyahan ng aming pamilya. Nag-aawitan kami nagsasayawan,pumipitas ng mga prutas sa puno at sabay-sabay kaming kumakain. Napakasariwa ng hangin,muli kong naramdaman ang saya ng aming pamilya. Hanggang sa paglubog ng araw kami’y magkakasama,magkakayakap ngunit nagulat ako bigla silang nawala at nagising ako sa katotohanan,oo nga pala’t nasa loob lamang ako ng imahinasyon.

                Sa sandaling iyon,wala akong ibang hinangad kundi ang oras na sana’y hindi huminto at maging ganun na lamang kami kasaya kahit kailan. Ngunit ang buhay di lamang iikot sa kasiyahan,pero umaasa ako at naghihintay pa rin ang pagkakataon na  nami’y muling magkasama-sama sa daigdig na pinapangarap ko. Sa mundo kung saan kapiling ko ang aking pamilya,na dahilan kung bakit ako’y nabubuhay pa.

 

 

***

 

 

“Sa Mata ng Bata…”

                 “Panonood ng T.V,”karaniwang sagot ng mga estudyante pag itinatanong kung anong madalas ginagawa nila. Minsan nga, hindi lang mga estudyante, maging ang mga munting bata, mga ama at ilaw ng tahanan at sinu-sino pa, dahil di maipagkakaila na malakas ang hatak ng telebisyon sa atin sa ngayon.

Oo nga naman, kailangang–kailangan natin ito upang malaman natin kung ano ang nangyayari sa loob at labas, sa paligid ng ating mundo. Ngunit balita nga lang ba ang laman ng telebisyon? Aaminin man natin o hindi may mga panoorin na walang dulot na maganda sa buhay ng maraming tao. Isa sa mga ito ay ang “karahasan”. Ang karahasan na inaasam-asam nating sana’y mabura na sa lupang ginagalawan natin.

 

            Maraming mga walang kamuwang-muwang na bata na dahil sa panonood ng mga karahasan sa telebisyon, mismong buhay nila nalagay sa peligro. Natutong humawak ng totoong baril at itinutok sa kalaro, isang galaw lang ng daliri niya patay ang kalaro niya. Kung nangyari namatay siya, masisisi pa ba ang karahasan na ipinapalabas nito sa mata ng mumunting bata, tama ito.

 

            Sa katulad na paraan, maging sa ugali at asal ng mga kabataang kagaya ko, nagbago na rin dahil sa karahasang sa telebisyon ipinakikita. Natutong sumagot ng pabalang sa magulang at nakatatanda, nakipagsuntukan sa kapwa kabataan. Hanggang sa paglaki nila, dala nila sa isip nila na tama lang ang ginagawa nila dahil meron silang ehemplo at yan ay ang mga napapanood na karahasan sa telebisyon. May nakalagay na “parental guidance” sa ibaba, subalit pano pagdi maintindihan mismo ng mga gumagabay ang pinapanood  nila? Nakakasira ng isip ano?    

 

            Ang telebisyon ang laging laman ng ating tahanan. Hihintayin pa bang lumala ang pagiging marahas ng mga tao sa kasalukuyan, bago ihinto ang pagpapalaganap  sa telebisyon ng karahasan?

 

 

***

 

 

“Matamis na Ngiti mula sa Munting Anghel”

            Kung hindi ako nagkakamali iyak iyon ng isang bata, umiiyak siya pagka’t siya’y gutom. Nilalamig siya ngunit di sapat ang saplot niya. Nangungulila siya sa kaniyang ina, ngunit wala ito na dapat sanay magbibigay ng mainit na yakap sa kaniya. Gusto na niyang umuwi, pero nasaan nga ba ang tahanan ng musmos na ito?

            Ngayon ay umaga na, maingay ang mga kotse, busina na sila na busina. Ang usok ay napakakapal, ang basura ay nilalangaw sa tabi-tabi. Ang daming taong naglalakad. Sa dim kalayuan, may isang nakatayong batang gusgusin. Siya yung bata kagabi at ang bahay niya pala ay dito…sa may kalye. May hawak siyang lata at namamalimos ng kahit konting barya ngunit may isang ale, imbes na bigyan, sinipa pa. kawawang bata, sa murang edad nararamdaman na niya ang lupit ng mundo. Nangangalakal siya sa basura, pero para ano? Nakakita siya ng tinapay na bawas na at ito pala ang magiging sagot sa kumakalam na sikmura niya. Tinignan kong maigi ang bata, napakarami niyang sugat, ang dungis niya mula ulo hanggang paa. Ipambibili sana ang baryang nalikom niya ngunit hinablot ng kapwa niya bata ang lata. Nakakita siya ng laruan ngunit sira-sira na, pero masaya siya ‘pagkat may laruan siya. Nakakita siya ng sako, Masaya na naman siya pagkat dito siya mahihiga mamaya. Bakit lubhang pinagkaitan ng maayos na buhay ang batang ito. Bago siya matulog, magdarasal pa siya at hihingi ng pasasalamat sa baryang  nalikom niya, sa laruan niya at sa sakong hihigaan niya. Nakikipaglaro siya sa mga batang may maaayos na pananamit at mababango ngunit binulyawan sila ng mga magulang nila. Layuan daw siya dahil sa ma mikrobyo ito. Ang musmos na ito ay di kailanman nag-isip ng masasamang intensyon sa mga umapi sa kaniya. Ang hangad  lang naman  niya ay ang pagtanggap sa kaniya bilang isang tao. Dahil kung tratuhin siya parang wala siyang karapatang mabuhay. Ngunit di siya sumusuko, nais pa rin niyang mabuhay.

            Hindi ko alam kung saan patungo ang buhay niya, kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Nang lumapit ako at sabihin sa kaniya “may pag-asa pa ring makita mo ang pamilya mo”, nasilayan ko ang isang matamis na ngiti mula sa isang munting anghel.

 

 

***

 

 

Hinaing

            Kailan kaya yung panahong malaya akong nakakapaglaro? Yung bang nagtatagu-taguan kami ng mga kalaro ko? Kailan kaya ako muling makapagtampisaw sa ilalim ng ulan? Ito ang paulit-ulit na tinatanong ko sa aking sarili pag mulat ng aking mata.

            Umaga na naman, panibagong kalbaryo na naman ang sasapitin ko. At siyempre ditto sa loob ng madilim at maruming bodega. Dito kami sapilitang pinagtatrabaho. Ang bodegang ito ay bagsakan ng mga sirang kagamitan. Kasama ang dalawa ko pang kaibigan pipiliin namin yung mga puwede pang magamit sa mga hindi na. Dati namamalimos kami at sa sinabing papag-aralin kami. Sumama kami at sa kasamaang palad dito pala sa bodegang ito ang bagsak namin. Dalawang taon na kaming paikut-ikot sa loob ng bodegang ito. Hindi ko lubos maisip na may mga taong kayang saktan ang walang kalaban laban na mga batang tulad naming. Namimilipit na kami sa hapdi ng tiyan. Kagabi pa kami hindi kumakain. Kumulog ng malakas natakot kami. Halos hindi kami makagalaw. Ilang beses narin kaming nagtangkang kumawala ngunit sa tuwing gagawin naming iyon, bugbog ang inaabot namin. Hinahampas kami ng walis, kahoy at mga bagay na nakakasakit. Wala kaming magawa kundi ang umupo sa sulok at umiyak magdamag.Sa tuwing mainit ang panahon, tumatagaktak an gaming pawis. Sa tuwing malamig naman, halos nanginginig ang aming buong katawan. Imbes na malaya kaming nakakapaglaro ngayon, pagod at hirap ang aming nararamdaman. Minsan nawawalan na kami ng pag-asa at sa murang isip ay binalak na naming tapusin ang aming paghihirap.

            Nakita ko yung mga daga butipa sila kumpleto. Masaya yung pamilya nila. Habang ako, nag-iisa. Wala na akong balita sa pamilya ko. Pero kung nasaan man sila mahal na mahal ko sila.

            Tapos na buong araw na paghihirap, mahihimbing na naman ako…tulog na ang mga kasama ko. Naaala ko tuloy si Inay dahil pag ganitong oras ipinaghehele pa niya ako,tumulo na naman ang luha ko…”Diyos ko wag po niyo akong pababayaan ha…ang pamilya ko ingatan nyompo sila…Dahil alam ko balang araw mayayakap ko uli sila…Sawa na po ako dito… pagod na pagod na po ako…tulungan niyo po sana lahat ang mga batang kagaya ko…”

 

 

***

 

 

Wrong Grammar

            Recess na! hmm… maglibot kaya ako? Sa aking paggala, kalat-kalat ang mga estudyante. Halakhakan sila. Ouchness! Yun ang biglang nasabi ng isang estudyante dahil sa nabangga siya ng mga naghahabulang mga bata.

            Sa isang banda naman, nag-aaway ang dalawang binabae, parang may liveshow..posturang postura ang dalawang labanera. Pinagtaasan ng kilay ang isa! “ natawa na lang ako sa narinig ko. Ganiyang-ganiyan din ang eksena sa library, sa c.r, sa canteen,sa waiting shed, sa computer room, sareading corner at kung saan-saan pang parte ng school.

            Katunayan, sa salamin ng C.R.  habang tinitignan ng isang girl ang sarili niya. Maganda siya, makinis at ang haba ng buhok. Marahil ay tuwang-tuwa siya sa kaniyang mukha dahil ayaw na niyang umalis sa harapan ng salamin. “ I’m a pretty girl woman talaga”. Ano ?? girl na nga, woman pa! nakakaloka!

            Sa reading corner, inis na inis ang lalake dahil hindi niya maintindihan ang sulat ng kaklase niya.”ang gulo! Parang kinalkal ng manok! “di naman sinasadyang narinig ito ng kaklase niya. Nilapitan niya ito at isinigaw sa kaniyang “don’t reclaime!” ang ibig pala niyang sabihin ay wag kang magreklamo. Hay! Ang mga kabataan nga naman..matatawa ka na lang sa pagsasalita nila.

            Sa library naman, paa naman ang usapan. Kagagaling kasi nilang magpraktice ng sayaw.at kuminang ng alikabok ang mga paa nila. “ang dirty na nang paa ko…” sabi ng isa, sumagot naman ang isa ng “my feets is more dirty”..mga mala-maling grammarat salita o isinusulong yata ng mga pasosyal na kabataan.

            Para sa iba, katuwaan lang ito pero kung iisipin mo, maaaring hudyat na ito ng pag-uumpisa ng mali-maling inglesnng modernong kabataan. Tila naiisantabi na ang wikang pambansa. Alalahanin nating ang Filipino an gating panbansang wika na siyang dapat kalalanin at pagyamanin. Ngunit, ang ingles bilang isang pandaigdigang lengwahe, bigyan naman din sana natin ng hustisya. Kung magsasalita tayo, yung wasto na at totoo.

            Ikaw, kabataan Ingles man o Filipino ang gamitin mo.’Wag ka lang sanang makalimot na marami pang kabataang susunod sa iyo. At bilang nakatatanda sa kanila, ngayon pa lang…Wasto na dapat ang grammar mo upang ang mga makakarinig sayo, tularan ka at maituturing huwaran na kabataang Pilipino.

 

 

***

 

 

Kailan kaya?

            Ako po ay isang first year high school student. May pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Pero mahirap para sa akin ito dahil kulang kami sa pantustos. Ngunit, magsisikap ako maabot ko lamang ang mithiin ko.

            Buong buhay ko, ninais kong matulungan ang aking pamilya. Sa murang edad ko, namulat ako sa katotohanang ang buhay ay masaya ngunit mayroon ding pagdurusa. Madalas inaapi at kinukutya. Ang baon ko ay limang piso lamang. Pinagkakasya ko na ito sa loob ng maghapon. Hindi ko na minsan pinapansin ang kumakalam kong sikmura. Itinatabi ko lang upang maqkadagdag ito ito sa pinag-iipunan kong bagong uniporme pagkat butas na ang halos araw-araw kong sinusuot. Kaya lang, minsan ang limang pisong iyon ay nawawala pa sa aking palad. Hindi dahil sa binibili ko ito ng pantawid gutom kundi dahil ito ay sinisingil ng mga guro sa akin. Pambayad daw ng kung anu-ano. Ito na nga lang ang baon ko, ibinigay ko pa sa mga guro. Singil dito, singil doon. Kaya ako, walang magawa kundi magtiis na lang. Masakit isipin na minsan gusto ko nang tumigil sa pag-aaral ngunit kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang minimithi ko pagkat hangad ko talaga ang matulungan ang aking mga magulang. Iyon na lang ang tanging regalo ko sa sakripisyong ipinagkaloob nila sa akin. Oo nga’t kaunting barya lamang ang sinisingil nila ngunit mabigat na ito para sa isaang kaawa-awang estudyanteng gaya ko. Hindi ako susuko, pero sana lang kung hindi masyadong kailangan ay itigil na nila ito. Kung hindi makatarungan ang ginagawa nila, maawa naman sila sa mga tulad ko.

            Yun lang naman ang tanging hinihiling ko… Kailan kaya ako makakapag-aral na walang halagang kapalit? Kailan kaya?

 

 

***

 

 

Nilalamat na Edukasyon

            Naku! Kahapon habang ako’y nakatutok sa telebisyon, napanood ko ang balitang ang elementary at sekondarya ay may dagdag na dalawang taon…

            Nagulat ako! Pagkatapos nun may mga tanong na naglaro sa isipan ko. Bakit ganun? Ano ang nangyari sa edukasyon ng pinas? Kulang ba ang gabay na ibinibigay n gating butihinh mga guro? O sadyang pumupurol na nga ba ang utak ng mga estudyanteng pinoy?

            Syempre bilang isang estudyante, mahalaga sa akin na malaman ang mga nangyayari sa aking kapaligiran at sa aking nakikita, lubhang humihina ang ating laban pagdating sa edukasyon.

            Halos magpista ang mga kababayan natin kapag may mga Pilipinong nakikipagpaligsahan sa ibang bansa at sila ay nananalo. Walang takot na nakipagsabayan sa larangan ng tagisan ng talino. Ngunit, kung iyong titignan talaga, kakaunti na lamang ang mga kabataang may ganitong katangian. Saan nga ba nagkulang ang bansang Pilipinas? Kung susumahin mo, kulang sa nutrisyon ang pinoy na estudyante. Dahilan kaya hindi gaanong maganda ang epekto sa pag-iisip nila. Laganap rin ang kahirapan. Walang sapat na pambayad sa paaralan kaya maging ang edukasyon ng mga mag-aaral ay kailangang isakripisyo.

            Ang mga pangunahing kailangan ng buhay ay pagkain, damit, tirahan at edukasyon. Taglay nga natin ang bawat isa diyan ngunit hindi sapat, kulang na kulang. Napaka-ganda sigurong makitang ang edukasyon sa Pinas ay tunay na nabibigyan ng pansin. At ang mga estudyante ay busog sa kaalaman.

            Ngunit kahit anong estado ng edukasyon ng ating bayan, hawak parin ng mga mag-aaral kung anong magiging kinabukasan nila. Pagsumikapan lamang ito at tagumpay ang sasalubong sa kanila. Ika nga nila, “Kung may Tiyaga, may Nilaga!”

 

 

***

 

 

Sa Ngalan ng Pag-ibig

            Nakadungaw ang isang babae sa bintana ng paaralan. Mag-isa, malungkot, lumuluha, malayo ang tingin. Magtatakip-silim noon, nakita niya ang mga ibong nagliliparan sa saya ngunit sa kaniyang mukha mababanaag ang kawalaan ng pag-asa. Kagabi, nasunog ang kanilang munting tahanan. Kasamang nilamon ng apoy ang mga damit niya at  ang masaklap pa doon, maging ang buong pamilya niya, natupok ng apoy.

            Sa kaniyang pagmamasid, dumaan ang isang lalake, ngumiti ito sa kanya. Lalong napaiyak ang babae habang kanyang pasigaw na binigkas ang mga katagang “Paano mo nakuhang ngumiti gayong nasa matinding kalungkutan ako?!”, napatigil ang lalake, luminga-linga sa paligid at mahinahong sumagot, “kaya nga ako nandito ay para pangitiin ang tila anghel na kagaya mo.” Mistulang huminto ang oras ng mga sandaling iyon. Pakiramdam nya lahat ng tao ay galit sa kanya at mismong ang Diyos pinahihirapan sya. Ngunit, dahil sa lalakeng iyon muli nyang naramdaman na may tao pang nagpapahalaga sa isang kagaya nya. Lumipas ang ilang araw, at lumalim ang kanilang pagsasamahan, nag-iba ang pananaw nila sa buhay. Wala ng mas sasaya pa nang makilala nila ang isa’t isa, maraming dumaan na problema ngunit pilit nilang kinaya ito na tila wala nang hahadlang pa sa kanila. Subalit, isang malagim na trahedya ang sumalubong sa kanila. Habang sila’y naglalakad, isang lalaki na may hawak na baril ang umagaw sa bag ng babae kaya nanlaban ang babae. At nang saktong pinaputukan ito, humarang ang kanyang mahal. Humandusay ang lalake at hanggang sa huling hininga sya pa rin ang isinisigaw ng kanyang puso. Nagtapos ang lahat sa isang bala at sa isang huling halik na tanda ng walang hanggang pag-iibigan.

            Nagdaan ang ilang araw, muling nakadungaw ang babae sa bintana. Isang musika ang kanyang nauliningan at kanyang nasilayan ang papadaang karo ng kanyang nahimlay na minamahal. Kasabay ng mapait na tadhanang iyon, lumuha sya ngunit taglay nya parin sa kanyang puso ang idinulot ng lalaking minsa’y dumaan sa kanyang buhay. Naramdaman nya ang malamig na simoy ng hangin at sa pagkakataong iyon alam nyang muling yumakap ang kanyang minamahal at ibinulong sa kanya ang mga salitang – “Mahal na Mahal Kita…”

 

 

***

 

 

Lugmok sa Karukhaan

            “Anak, patawarin mo ako kung nahuli ako ha…”, yan ang binanggit sa akin ni Inay habang sya ay lumuluha. Pitong taon na ako ngayon at pitong taon ko na ring tinitiis ang malubhang sakit kong Ulcer. Pero may pangarap pa ako kaya hanggat kaya ko lalaban ako…

            Sabado ngayon at palubog na ang araw. Pang-limang beses ko na itong pabalik-balik sa ospital. Natatakot na nga ako rito dahil lagi akong mag-isa, ang mga kasama ko lang ay mga kapwa ko pasyente na walang ibang ginawa kundi ang magdamag na umiyak. Pero naiintindihan ko sila dahil kagaya ko, matinding hirap din ang dinaranas nila. Wala dito si Inay dahil nagpunta sya sa mga opisyales ng lugar namin.   Nagbabakasakali syang makalimos ng kaunting tulong upang mabayaran ang ospital. Pagkatapos nun, pupuwesto na sya sa harap ng palengke upang magbenta ng nirepak nyang mani. Tapos tuwing hapon, metro aid sya sa lugar namin. Hindi nya iniinda ang pagod basta may ipangtapat lamang kami sa kumakalam na sikmura. Wala din dito si Itay, nakapila sya sa NFA rice, halos maubos ang oras nya sa pagpila noon ngunit ito lang naman ang kaya ng bulsa ni Itay. Lima kaming magkakapatid, ang ate ko ay namamasukan bilang tagalinis ng karinderya at sa gabi sya ay nag-aaral. Hangad nya ang makatapos. Ang kuya ko naman ay isang basurero at ang barya-baryang nalilikom nya ay ipinambibili nya ng gamut ko. Imbes na ibili nya ng tsinelas, ipinambibili nya ito ng gamut ko.

            Sa tuwing nalulungkot ako dito sa loob ng ospital, iniisip ko na lang ang pamilya ko na kahit mahirap kami, mahal namin ang isa’t isa.

            Unti-unti na akong nanghihina… nahihilo… naninikip ang dibdib ko. Di ako makasigaw, parang umiikot ang buong paligid. Di ako makagalaw, di rin ako makahinga. Unti-unti na rin akong nilalamon ng sakit ko. Sabay ng pagpikit ng mata ko, hinawakan ni Nanay ang aking kamay gusto kong idilat ang aking malamlam na mata pero tanging boses lang nya ang narinig ko, “Anak, patawarin mo ako kung nahuli ako hah…”, ang sabi nya. Pagkatapos noon, nawalan na ako ng malay. Dumating ang mga doctor, bumitaw si Inay at tinakpan ng kumot ang buong katawan ko.

 

 

***

 

 

Ang Puso ng Isang Ilaw ng Tahanan

            “Tiktilaok!...” Isang umaga habang ako’y nasa bubungan. Tahimik ang buong kapaligiran. Sariwang hangin ang nagpapahampas sa mga puno. Kung titignan, sila’y mistulang sumasayaw sa kasiyahan, ang mga ibon na malayang lumilipad-lipad na animo’y naglalaro sa alapaap, ang pagsikat ng araw na tila nagbibigay ng liwanag at pag-asa sa may madilim na landas.

            Sa di kalayuan, natanaw ko ang magkasintahan na magkahawak kamay habang nilalakad ang tuwid na daanan. Naisip ko bigla, walang hanggan nga ba ang pagmamahalan? Kailan ko masasasbing walang katapusan ito? Pero magkagayunman, alam ko sa puso ko na isa lang ang may taglay ng ganoong walang hanggang pagmamahal, at iyon ay ang isang ina para sa kanyang anak.

            Sa oras na kailangan ko ng karamay, hindi ako kailanman iniwan ng isang ina. Nang ako ay pinagalitan, hindi doon nagtapos ang lahat. Pagkat ginawa nya iyon sa kadahilanang mahal nya ako.

            Ngunit sa totoo lang, marami sa mga kabataan ngayon ay may sama ng loob sa kanilang mga magulang. Nagkukulang din naman minsan ang isang ina, pero anuman ang ginagawa nya, binubuhos nya ang buong makakaya. Ang ina ang tinaguriang ilaw ng tahanan, nag-aaruga, nagpapagod at nagsasakripisyo. Yan ang isang Ina. Hindi nya ginagawa yan dahil obligasyon lang nya kundi mahal ka nyang talaga.

 

 

***

 

 

Buhay ni Inday

            Si Inday ay isang kabataang babae na may pangarap sa buhay at iyon ay ang makapag-asawa ng MMMM o Matandang Mayamang Madaling Mamatay.

            Si Inday, tawa ng tawa na gusto nang mag-asawa. Ang kanyang mukha ay sobrang puti dahil pulbos dito, pulbos doon. Ang kanyang kuko’y mahaba na kasing haba ng sa mangkukulam. Kung iisipin lahat ng mahihirap na magtangkang bihagin ang kanyang puso ay tutusukin nya. Ang kanyang buhok ay mistulang banderitas na samu’t sari ng makukulay na ipit. Ang kanyang mata na tila naka-droga pagkat itim na itim na ang mga ito. Minu-minuto tila pabrika ng usok ang kanyang bunganga dahil hithit sya nang hithit sa kanyang sigarilyo. Ang kanyang tenga sandamakmak ng hikaw na kulang na lang ay maglako sya ng mga hikaw. Ang damit nya’y backless at ang pang ilalim nya ay mas maliit pa sa miniskirt. Ang taas ng takong, natatapilok naman. Hayun sya sa harap ng kanyang iniirog na halos magpasirko-sirko mapansin lamang. Todo ang pagproproject na akala mo’y may kamerang nakatutok sa kanya. Uy!, poise na poise ang loka! At ang balat nya’y tadtad ng tattoo.

            Iyon ay walong taon nang nakalipas at si Inday ngayon, napaglipasan na rin ng panahon. Kulubot ang mukha at balat, siya’y nasa bahay, nakatanod sa bintana at halos wala ng pumapansin sa kanya. Heto suya ngayon nag-iisa sa buhay pagkat sa sobrang kaartehan nya ay wala ng nagtangkang hingin ang kamay nya.

            Yan si Inday, ang buhay nya’y nawalan tuloy ng kulay. Ewan ba naman kasi sa kanya, kung mag-ayos kasi’y parang laging may pista. Hoy Inday!, kung maaga pa lang ay napagtanto mo nang dapat ay nagpakatino ka na edi sana’y may masayang pamilya ka na.

            At sa kantang ito, ako’y may nais iparating:

 

“ Lumilipas ang panahon,

Kabiyak ng ating gunita

Ang mga puno’t halaman

Bakit kailangang lumisan

Pana-panahon ang pagkakatao

Maibabalik ba ang kahapon?”

 

 

***

 

 

Mano po Ninong, Mano po Ninang

 

            “Pasko, pasko na namang muli, tanging araw na aking pinakamimithi. Pasko, pasko na namang muli, ang pag-ibig naghahari…”

            Malapit na ang pinaka bonggang araw ng taon. Ang araw kung saan nangangaroling ang mga bata. Ang araw na malamig ang simoy ng hangin. Ito ang araw na bigayan ng regalo. Ang araw kung saan ang puto-bungbong at keso de bola ay nakahain sa mesa. Kung saan tuwang-tuwa ang buong daigdig. At ang araw ding ito ay ang panahon kung kailan magtatago si Ninong at Ninang sa kanilang mga inaanak. Hide and seek ba ang labanan dito?

            Nakakatuwang isipin na pagkatapos mong magbihis ng maganda at ilista ang mga kinalolokohan mong bibilhin, ang mga Ninong at Ninang mo naman ay nagmamadaling magtago palayo sa iyo. Palusot dito, palusot doon. Ay sus! Nawalan na nang gana ang mga inaanak. “Mano po!” Pagkatapos ay alis na po. “At anong ibinigay?” Wala po… Marami-rami na rin ang naka graduate dyan dahil noon, ngayon at magpakailanman eh wala nang natatanggap. Kumusta naman si Ninong at Ninang?! Hala’y naloloko na pagkat palapit na naman ang pasko. Palapit na rin ang mga inaanak, at ang mga Ninong at Ninang, palapit na rin ang paglalaho. Walang magawa ang mga inaanak kundi tumulala sa Bituin ng Krismas Tree at humiling na sana’y di na ganon ang kahahantungan nila sa susunod na taon… Hayy!

            “Thank You, Thank You, ang babarat ninyo, Thank You!!!

 

 

***

 

 

“ Atlas “ dumating na sya!!!

 

            “Kringggg… Kringggg…” ito na ang hudyat na kailangan na nyang bumangon. Mag-aayos na sya at maghahanda. Magsusuot ng pormal na damit. Sya ay tutungo na sa kanyang opisina. Uupo sa kanyang silya at maglilingkod na para sa kanyang bayan…

            Noong nakaraang buwan, isa pa lamang syang ordinaryong nilalalang. Noon, sya ay nangarap lamang ng isang araw na pagsisilbihan nya ang publiko. Dat’y isa lamang syang mamamayan na may hangaring matulungan ang kanyang bayan upang ito’y umahon at umunlad. Siya’y may puso na para sa mahihirap. Noo’y katakut-takot na batikos ang ipinaratang sa kanya na wala raw syang kakayahang gumawa ng mga bagay na kumplikado. Ngunit hindi sya nagpatalo. Hindi sya natinag na ipagpatuloy ang buhay na nais nyang tahakin. Ang palad nyang bukas para sa lahat ang nagtulak upang huwag talikuran ang mundong nais nya. Kasikatan ang habol nya?! Walang katotohanan. Hindi nya kailanman inisip yan dahil wala syang ibang ginusto kundi ang bigyan ng kulay ang kanyang bayan. Ang masikatan ito ng liwanag. Puspos ng saya at ganda. Gusto nyang magkapit bisig ang lahat. Pagsulong at mithiin nya.

            At ngayon, binuksan nya ang pinto ng opisina, umupo na at sa harap ng mesa nya ay may pangalang “Marino “Atlas” Morales” sa kanyang pag-upo buhat ng kaninang pagtunog ng alarm clock ng “kringggg...kringggg…”. Hudyat na rin ito ng unang paghakbang nya sa pagtupad ng kanyang mithiin…

 

 

***

 

 

Ang Bonggang-Bonggang Pandesal

 

            Bebang! Nagulantang at nawindang ako ng marinig ko ang pangalang “Bebang”… Pangalan ko yun ha! At boses ni Inay yun. Di maawat mala-bombang ngala-ngala ni Nanay sa pagtawag sa aking pangalan. Siguro’y may patayan na naman sa labas. Bebang! Bebang! Nagmamadali akong bumaba. Sa pagmamadali ko nakalimutan ko ng punasan ang laway ko.

 

            Palapit na ako ng palapit kay Inay, nakatalikod sya at pagharap nya, ang mata nya ay nanlaki ng bonggang bongga at ang sabi sa nya sakin ay “Bili ka nga ng Pandesal!” Hay… Akala ko’y nagugunaw na ang mundo.

 

            Ngayon ay may hawak akong beynte pesos. Pupunta ako sa Panaderya at bibili ng Pandesal. Habang ako’y naglalakad bila kong naramdaman ang gutom kaya halu-halo na ang pumasok sa aking isipan. Ano kayang magandang palaman sa Pandesal? Siguro keso, o kaya’y hamon… ay hindi, itlog at hotdog o kaya pwede rin namang mayonnaise. Ah basta! Tapos may kape pang kasama. Ang sarap naman! Wow! Tapos ang sukli! Ah tama! Kupit ko nalang yun! Bibili ako ng Spaghetti, Hamburger, Ice Cream o kaya naman baka Keyk o Tsokolate… Yummy!! Ang sarap talagang mabuhay. Sa sobrang tuwa, napakanta pa ako ng Abuchekek eke k ek!! Patakbu-takbo at patalun-talon pa at Splonk!! Aray ko!! Natapilok ako!! Ay mabuti nalang at walang nakakita. Nandito na rin ako sa Panaderya… Aba! Himala! Walang tao, eh dati-rati’y ang daming nakapila. Pabili po ako Aling Petchang! Hala! Ayun ang pandesal pagkaliit-liit naman nyan! Aba’y hanggang lalamunan ko lang yata yun?! Nabigla talaga ako. Ang liit talaga, nawalan tuloy ako ng gana. Para kumasya sa aming mag-anak, pinambili ko na lahat. Wala na tuloy sukli. Siguro eto yung dahilan kaya hindi na pinipilahan kasi lumiit yung pandesal tapos medyo nagmahal. Nawalan talaga ako ng gana.

 

            Lulumbay-lumbay akong umuwi sa aming bahay. Mistulang nalugi ang aking umaga. Nilapag ko na ang pandesal na bida ng almusal. Napakamot nalang ako ng ulo…

 

“Kawawang bebang, ang liit na nga ng kinaing pandesal, wala pang dekwat…”

 

 

***

 


Dalagang Nagbinata, Binatang Nagdalaga!

 

            Sa aking paglalakad sa gitna ng kalsada, natuon ang aking mata sa napakaganda at napakaseksing dalaga… Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa… nakakabighani ang kanyang ganda… Nilapitan ko sya at ako’y nagpakilala ngunit gumuho ang lupa nang sya’y nagsalita… “Ay papa! Ako si Angelito noon pero si Angelita na ngayon!” Saba yang halakhak sa napakalaking boses. Kumaripas ako ng takbo at bago pa man makalayo, sya’y sumigaw, “PAPA!!!” Hay… buti nalang nakalayo agad ako sa kanya.

 

            Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang makarating ako sa isang lugar… Nakakita ako ng magkasintahang magka-hawak ang kamay… Ang sweet naman nila aking nasaisip… Hindi lang iyon! Hinalikan pa ng binata ang pisngi ng dalaga… baka nga langgamin na sila sa kinatatayuan nila… Lumapit ako ng bahagya upang mapagmasdan sila… Ako’y nagulantang sa aking nakita… Tama nga ba ang aking hinala? Ako’y kumurap-kurap upang makasiguro… Hindi nga ako nagkamali!! Ang inakala kong binata ay isa palang dalaga!!! Dalaga na nag-anyong binata!!!

            Ako’y nag-isip ng nag-isip habang nakaupo sa isang silya… Ang alam ko ay dalawang kasarian lang ang nilikha ng Diyos… Babae at Lalake! Pero bakit may dalaga na naging binata at binata na naging dalaga?.. Ay ang gulo!! Hindi ba pwedeng ang dalaga ay maging dalaga talaga?, at ang binata ay maging binata talaga?... Tama ba ang nangyayaring ito o mali? Basta, kayo na bahalang humusga…

 

 

***

 


Papel at Panulat para sa Kabataan?

 

            Tik.. tiii… laaa.. okkk… Umaga na naman kailangan na namang pumasok sa eskwelahan, limang araw sa isang linggo ang iginugugol ng mga kabataan sa paaralan, ngunit sa pagsusunog nga ban g kilay natutuon ang panahong nasasayang ng mga kabataan?

 

            Isang eksena sa buhay nating mga kabataan, “pasok Juan”, “di ako pumasa”, you know what will happen diba?!, Sermon, reklamo sa guro! Hep! Hep! Hep! Balikan muna natin ang mga nagdaang araw ni Juan sa eskwelahan at nang malaman natin kung bakit nga ba sya bumagsak.

 

            Sa tuwing umaga’y gumigising nang maaga si Ina upang ipagluto ng agahan si Juan, paggising ni Juan diretso agad sa hapag-kainan, ni-hindi man lang nya inalok na sabayan syang kumain ni Inay! Pagkatapos kumain, agad sa C.R. ang tuloy para maligo, wow! Iniwan na nakatiwangwang ang kanyang pinagkainan. “Nay! Paabot ng Tuwalya!” Senyorito ang dating! “Nay, papasok na ako!” (Masipag kuno)… “Pengeng Baon…” (Hah?! Sabay ganon?)

 

            Pag-alis ng bahay diretso na agad sa Internet Café?! (Ano?! Akala ko’y eskwelahan ang tungo?). Pagkalipas ng ilang oras sya ay lumabas ng Café, magsisindi lang pala ng sigarilyo. (Scholar na estudyante yta?!) Kinabukasan muling naulit ang kaganapan. Senyorito parin sa bahay si Juan, ngunit may kaunting nabago! “Nay, may project po kami ngayon!” (Wow! Hindi ba’t hindi ka naman pumasok kahapon?) “Worth P150!” (Aba! Aba! Aba! At ang taas ng presyo ha?, gasolina ba ang bibilhin mo?) Iba ata ang takbo ng buhay ni Juan ngayon, pumasok talaga ng paaralan. Ngunit nasa labas lang ng silid-aralan! (Ano ba yan Juan?) Maya-maya’y nangati ang mga paa ni Juan at nais nang lumabas ng iskul. Subalit wala pa sa tamang oras ng uwian!, hindi na talaga makapag-antay si Juan at tumalon na nga sya sa bakod. “Oh! Sa wakas may pang-inom na kami ng tropa ko!” Diretso sa tambayan at ang sigaw ni Juan “Pare! Tara toma na tayo!” (Ano ba naman Juan? Puro kalokohan ang alam mo!)

 

            Eh, kaya naman pala bumagsak, paanong papasa puro bulakbol at kalokohan ang inaatupag. Hay! Hay! Hay! Hindi mo ba naiisip ang iyong Ina at Ama na lahat ay ginagawa makatapos ka lang?

 

            Imbes na papel at panulat ang hawak, napalitan ng sigarilyo at alak… Imbes na blackboard, computer ang nasa harap.

 

 

***

 


Minimithi-Mithi kong Bituin

 

            “Oceans apart, day after day. And I slowly go insane. I hear your voice on the line. But it doesn’t stop the pain. If I see you next to never. How can we stay together? Wherever you go, Whatever you do, I’ll be right here waiting for you…”

 

            Paglubog ng araw, pagdating ng dilim… Pagkapatay ko ng ilaw at pagkasara ng aking mga mata… ang iyong mukha ang aking nasisilayan. Isang panaginip ang nakikita, panaginip na sana’y maganap na. Kayo Inay, Itay at ako ay nagkakatuwaan, nagkakasiyahan at humahalakhak sa mga birong hindi mawari kung ano. Halos humalandusay sa sobrang sakit ng aking tiyan sa kakatawa sa inyong mga ekspresyon at nakakatuwang mukha. Nakatanim sa aking puso ang pag-ibig sa inyong mga mukha na kinukuhanan tayo ng larawan, ang ating mga ala-alang sa araw-araw ay nakabaon sa aking puso’t isipan.

 

            Ngunit isang liwanag ang sa aki’y gumising… pinutol nito ang aking panaginip. Ang tawanan at mga iyakan na ating pinagsaluhan ngayo’y mga larawan na lamang ng nakalipas at unti-unting kumukupas. Paano ko ito muling maibabalik? Paano ko masasariwang muli ang mga alala na parang mga bulaklak na nakatanim sa aking puso?

 

            Ang naaalala ko ay ang iyong mapupungay na mata na sumusubaybay sa akin. Ang iyong mga biro na nagpapasaya sa akin. Ang iyong mga ngiti at tawa na nagbibigay sa akin ng saya. Ginugunita ang iyong mga yakap na pumupuno sa aking bigong puso ng pagmamahal. Ang iyong pang-unawa, pag-aruga at pagmamahal na nagtutulak sa akin na maging matatag at malagpasan ang lahat ng mga pagsubok ng aking buhay… Ang lahat ng ito’y sa isang kisap mata naglaho.

 

            At kung makita ako ni Inay… kapag nakita nya ang aking mga luha habang aking ginugunita ang iyong larawan, laging nyang sinasambit at ipinapaalala na ang lahat ng ito’y nakatadhanang mangyari.

 

            Ngayon, ang tangi kong hiling… sa araw ng aking pagtatapos, sana’y ika’y nasa aking harapan, sana’y marinig ang aking tinig, ang aking talumpating inahahandog ko sa inyo.

 

            “Nang dahil sa inyo nasa rurok na ako ngayon ng tagumpay. Nang dahil sa inyong pagmamahal nagkaroon ako ng lakas at tibay ng loob na tawirin ang lahat ng tulay at daan tungo sa aking pangarap. Kayo ang nagpaalab sa aking puso para lagpasan ang mga balakid na iniharap ng buhay. Ang inyong pag-aaruga ang nagsilbing hagdan patungo sa mga bituin na aking inaasam-asam. Kayo ang mga bituin na nagbibigay sa akin ng liwanag sa dilim at patuloy na gumagabay sa akin. Naging kasama ko kayo sa hirap at ginhawa, sa saya at sa lungkot… para sa inyo… sa tulong ng inyong pagmamahal… Gagawin ko ang lahat. Maraming, maraming salamat! Mahal na mahal ko kayo, Inay at Itay…”

 

            Tay, I’ll be right here waiting for you…”

 

 

***

 


In-lab…Tineyger…

 

Petra at Bentong, Poreber En Eber!

 

“Wow! Petra! Tignan mo oh! Ang cute ng babae! Sadyang nakabibighani ang kaniyang kagandahan. Halos hindi makapaniwalang may babaeng nabubuhay sa mundo na ganyan ang kaakit-akit na mukha ang taglay. Wowoww! Mamamiya!, ang cute niya talaga! At nang lumapit pa ako, lumapit ng lumapit, at ngayon ang lapit ko na sa kaniya! Sa wakas, malalaman ko na ang babaeng ito na nagkukubli sa isang maskara. Ayan! Malapit na! Hanggang sa… Aray! Ouch! Salamin pala iyon! Ano ba naman iyan Petra.. sarili mong mukha pinagkakaguluhan mo! Petra, Petra…Hay!”

 

Ako po si PetraPetra po ang ngalan ko. Ang cute po ng pangalan ko no! Ahay! ganito pala ang buhay teenager na in-love. Parang ako’y lumulutang tuwing tinititigan ko ang kanyang mga mapupungay na mata. Tuwing tinititigan niya ako, sadya akong natutunaw. ‘Pag naririnig ko ang kaniyang tinig, halos mabaliw ako’t makalimutan ko ang pangalan kong Petra! Sa kaniyang mga ngiti, halos mang-gigil ako’t tumalon-talon na parang nanalo sa lotto! ‘Pag nakikita ko siya, halos habulin ko siya na parang aso’t alagad sa tuwina. Ngunit habang ako’y tumatakbo, sinisigaw ko ang kaniyang pangalan, Bentong! Ooops!... ako’y natisod, natapilok at nadapa! (aah.. pahiya1) Sabay lingon, meron bang nakakita?!.Ahay! Nakita ko silang lahat gumigigit at tumatawa. (hahaha, yan kasi! Habulin ba naman kasi weh!) Bentong! Bentong!

 

             Gabi-gabi, salamin ang aking kinakausap, parang nasisiraan na ng ulo.. Kinakausap ang sarili, tawa bigla sabay ngisi.. Oh! Bentong ng buhay ko! “You got me so hypnotized! so mesmerized!” Tignan mo Bentong dahil sa’yo kung anu-ano na ang nasasabi ko! Bagay na bagay tayo! Sa pangalan pa lang, NAKS! may chemistry na, Petra and Bentong forever and ever! Petra! Lumulutang na naman ako sa ulap ng pag-ibig. Basta’t para sa iyo Bentong tatahakin ko ang lahat. Kahit pakantahin mo pa ako ng Christmas song sa gitna ng SM, okey lang! Yakang-yaka iyan! Mang-harana pa ako sa harapan mo’t sa bahay mo pa mismo.

 

               Hay naku! Petra at Bentong poreber and eber! (in your dreams Petra!)

 

 

***

 


Para sa inyo, Bawat Pagsubok ay Kakayanin….

 

 

Mahal na Panginoon,

 

 

Bakit kailangan kong maranasan ang pait at lupit ng buhay? Ang tadhana ko ba’y kakambal mg isang sumpa? Ito nga ba ang daan na kailangan kong suungin at tahakin? Panginoon, sana’y dinggin Mo ang aking kahilingan, sana’y ibigay Niyo po ang liwanag sa madilim kong kinabukasan…

 

Bawat umaga, ang tilaok ng manok ang naghuhudyat sa akin na kumilos na, bawat sulok aking babagtasin. Ako’y naghahanda na naman sa paghahanap ng pantawid gutom. Sa mga oras na ito’y ang sarili ko lamang ang maaasahan. Kailangan kong magbanat ng buto upang matulungan ko ang sarili ko at ang pamilya ko, upang makaahon sa nakapanghihilakbot na kahirapan. At ngayon, tirik na si Haring Araw, kailangan ko nang pumasok ng eskwelahan. Minsa’y aking binabagtas ang aking paglalakbay na walang laman ang aking sikmura. Iniisip ko na lang na busog na busog ako ng fried chicken. Ngunit lalo lamang akong natatakam, halos tumulo na ang laway ko’t mas namimilipit pa sa sakit ng tiyan.

               

At ang plastik kong tadtad ng butas ay may aklat na kinakailangan kong basahin tuwing gabi na tanging isang kandila ang nagbibigay ng liwanag. Akin na lamang iniinda ang mag tagpi-tagping kaalaman at pira-pirasong mga pahina. Sa kabila ng lahat, kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang pagtanaw ko sa aking hinaharap..tahakin ang tadhanang nakalaan sa akin.

              

Sa aking paaralan, pang-iinsulto ang tangi at lagi kong dinaratnan; Mga kamag-aral na pilit akong binababa. Dahil sa kadungisan ng aking katawan, pinandidirihan… pinagtatawanan… pinagkakaisahan. Ang gusgusin kong kong damit, sapatos at pitaka kong butas-butas, ang mukha kong bakas ang kapaguran at pait ng buhay na aking dinaranas araw-araw, magdamag at maghapon. Kahit mga magulang ko’y hindi nakaligtas sa kanilang matatalas na bibig. Bawat salitang kanilang pinupukol ay sadyang pumapana sa aking puso.

 

               Aking Panginoon…pagod na pagod na ako sa buhay kong ito. Unti-unti akong pinaparalisa’t nilulumpo ng mga sunod-sunod na pag-ulan ng mga pagsubok. Pagod na ako.. Kailan ko matatanaw ana liwanag sa madilim na landas na ito? Kailan ko masisilip ang matiwasay na buhay? Kailan mawawala’t mabubura ang sumpang nakadikit sa aking kinabukasan? Kailan ko  maipapasakamay  ang edukasyon? Kailan? Kailan? Panginoon..tulungan  Ninyo po ako..

 

Ang Inyong anak...

 

 

Ngunit kailangan kong magpakatatag upang malagpasan ang mga pagsubok na ito. Kailangan kong kayanin ang mga ito. ‘Di ako titigil… Magsisikap upang balang araw ang kaalaman kong ito ay maging daan tungo sa maginhawang buhay. Upang ang pamilya ko’t ako’y makatira sa isang magandang tahanan na pupunuin naming ng pagmamahal…na sa gabi’y kami ay makakatulog ng mahimbing.. Para sa kanila, lahat aking kakayanin… KAHIRAPAN, hinding-hindi ka magiging balakid sa aking mga pangarap at sa mga minimithi-mithi kong pangarap pra sa aking pamilya… Kakayanin ko….

 

 

***

 


Hoy! Gising!

 

“Lumilipad ako sa malamig na hangin, habang kumakain ng fried chicken kasama ang pinaka-idol kong seksing babae. Ang sarap ng pakiramdam, “Pare!” nagulantang ako ng biglang binulungan ako ng pasigaw ng katabi ko.

 

At ayun ang pari sa harapan, ang sabi niya, “Anong silbi ng pagpunta sa simbahan kung tutulog-tulog rin lang..” Patay tayo diyan! Tinamaan ako ah! Ngayon ay simbang gabi, imbes na makinig ako sa sermon, tinulugan ko ang pari. Ay! Mukhang kahiya-hiya naman ako! “Manalangin po tayo”, ang sabi ng pari. Nakapikit ako, pagkatapos ng “Amen”. Hindi na namulat ang mata ko. Isa lang ang ibig sabihin niyan. Nahimbing na naman ako. Aba’y mukhang akong nasa payapang damuhan na nakahiga nang sobrang komportable. Mukhang ang sarap talagang mabuhay. Ang sarap matulog! Tumunog na malakas ang kampana. Ako’y nagising at sa pangalawang pagkakataon, nahiya na naman ako! Aruy1 walang laman ang utak ko kundi ang mga napanaginipan ko. Ay sus!

 

Sa lahat ng gumagawa nito, “Hoy Gising!”. Bata man o matanda, may ngipin man o wala. May bahay tayo para matulog. May simbahan para magsimba. Siguro nama’y hindi niyo na hihintaying tumulo pa ang laway niyo bago mapagtantong ang pagtulog ay ginagawa sa simbahan. Nakakatawa man pero may mga taong ganito talaga. ‘Pag nakatabi niyo, gisingan niyo at kung ayaw, batukan ninyo. Ngunit paalala, wag sosobra dahil baka matuluyan, sakto nasa simbahan pa naman.

 

 

***

 


Panalangin sa Gitna ng Masaklap na Tadhana

 

 

Dear God,

 

 

Bakit ipinaranas ng buhay sa akin ito? Sa tuwing imumulat ko ang aking mata, nakikita ko ang aking sarili, kaawa-awang pagmasdan. Sa tabi ko ay may lata na nilalamnan ng barya-barya. Minsan, bibigyan ako ng pagkain na sapat na sa kumakalam kong sikmura.

 

 

Ang aking sarili ay puno ng sugat, galos at kagat ng insekto, ang mga insektong halos magpiyesta sa aking dugo. Araw-araw namimilipit ang tiyan ko dahil sa pagkagutom na aking nararamdaman. Habang tinitiis ko ang ganitong sitwasyon, hayun ang mga tao, diring-diri sa akin. Sa mga titig nilang halos magpahirap sa akin. Nasaan ang aking mga magulang? Nais kong ako’y hagkan nila upang malasap ko ang mahalin ‘pagkat ako ay tao rin.

 

            Isang lalaki ang lumapit sa akin, ang buohg akala ko;y siya na ang daan upang ako’y makatakas sa mundo ng kadiliman. Ngunit ako’y nagulat dahil masasakit na sipa ang inabot ko sa kaniya. Wala na nga ba talagang awa ang ibang nilalang? Mistulang bilnggo ako na sinentensyahan ng kamatayan ng kapwa ko tao. Sa murang edad, nais kong ipahiwatig na ako’y isang taong mayroon ding pakiramdam.

 

Umulan ng malakas, gumuhit ang kidlat sa kalangitan, malalakas na kulog ang sunud-sunod na narinig ko. Tatayo sana ako upang sumilong, ngunit, bakit ganito? Hindi ko maigalaw ang buo katawan ko. Ni nhindi ko maiangat ang kamay at paa ko. Basang-basa na ang buong katawan ko. Manhid na ang buong katawan ko.

Ama… kung nais Niyo akong kunin, handa na ako. Nais kong manirahan sa tabi Niyo na masaya at walang sakit na nararamdaman. Ayaw ko nang lumuha ulit. Kunin Niyo na lang po ako.

 

Umitim ang buong paligid at tuluyan na ngang nagtapos ang masaklap na kapalaran ko bilang isang street children…

 

 

 

Ang inyong anak….

 

 

***

 


Trying Hard si Inday

 

“Oh it’s raining! aren’t they? Oy friend, di mo sinasabi may umbrella pala you! So,.. pwede maki-share? Sure! What are friends are for? Oh, ang fabulous naman ng payong mo friend! It’s as brand as new! Ah ganon… Friend, tingnan mo the sky’s the langit, ang ganda, aren’t they? Is that is you friend? Hello?! gumising ka nga,bakit ako titingin gusto mong nabasa ang aking fess at ang beautiful matas ko, duhh! Tara na nga,  Come on let’s go us!”

 

Tsk… tsk… tsk… Hay naku! Nakakapangilabot marinig sina ate. Super trying hard kung mag-gramming. Bakit ganon? Gumawa ba naman ng sariling subject and verb agreement at yung mga pagbigkas, ay… sablay pa rin eh! Ano ba?

 

Ano nga ba ang nangyayari sa Mother Earth? Sa world, sa mga peoples of the Philippines? Bakit pagdating sa English, ang mga pinoys nabubulol? Gumagawa ng sariling mga salita ng sariling “ingles rules?” Ang dami nilang maling wrong mistakes!

 

            At tuwing ako’y tutungo sa iba’t ibang lugar. Sa aking pagkadismaya’t pagkagulat may biglang kumausap sa akin. “Does you know if when is the powder room? Huh!?” Ang aking sambit baka where imbes na when! At nang akin siyang sinagot, ang sabi ko’y pagkakita you ng elevator, huwag kang sumakay doon tapos lumingon ka sa kanan sabay punta sa kaliwa, diretso at pagkahinto, lumingon ka sa likuran mo, kapag may nakita kang powder room este comfort room, pasok ka sabay labas!

 

            Aba’y ang sinagot ba naman sa akin ay... “Pardon. Can you repeat it again and again and again for the second time around once more from the top? Ay sus, nagpakapagod pa akong magsayang ng laway ko. Bakit hindi na lang niya sinabing pakiulit nga! Duhh! Pinahirapan pa ang kanyang sarili! Ewan ko sayo dagdag ko pa, hindi kaya ng powers ko language mo! Saang planeta ka ba galing?

 

            Hay naku! Hanggang kailan ba mag-eexist  ang mga aliens na ito? Kailan ba maicocorect  mga hindi maunawaang wika nila. You was a “parastites,” ayusin niyo naman. Paano aahon ang Pilipinas sa pagkakalugmok sa iniisip ng iba na hindi natin kaya ang pagsasalita ng wikang ingles?

 

            Bakit hindi nyo subukang magbasa ng mga aklat na isinulat sa wikang ingles? Lalo na basahin niyo yung dictionary para marami pa kayong matutunan at makuhang words. Pag-aralan niyo ang mga textbooks niyo upang malaman niyo ang subject-verb agreement... Hay… sama-sama nating burahin ang inaakala ng iba sa atin.. Sama sama nating itaas at iwagayway ang bandila ng Pilipinas na tayo’y pwedeng makipagsabayan...

 

           

“Come on! Let’s join us!’

 

 

***

 


Pasaway na Estudyante

 

            “Hithit ng sigarilyo doon, hithit ng sigarilyo dito. Buong paligid ay lubhang binalot na ng usok at tila nadaig ang kalinisan. Vandalism doon, vandalism dito. Tinuturing na obra maestra ng kabataan. Mga lumiliban sa klase kalat-kalat na mistulang duming nagkawatak-watak kung saan-saan.”

 

            Hindi ko kayang pigilan ang mga estudyante sa paglabag nila sa batas ng paaralan. Makikita mo sila kahit saan.

 

Sa panig ng kaliwa.. Kalusugan ang nakataya! Hindi lang buhay mo kundi buhay din ng iba. Sigarilyong pumapatay, ibinabandera ng mga estudyante. Hindi sila natatakot na balang araw, magsisi sila na sana pala’y tinigilan na nila habang maaga pa. Dahil sa sigarilyo,maaaring mawasak ang pangarap nila at maging ang sariling buhay nila.

 

Sa panig naman ng kanan… Mga nagliliparang tila nakawala sa hawlang mga estudyante. Walang takot na naglalakad-lakad o umistambay kahit ang guro’y nasa loob ng klase nila. Nais ko lang naman ipaalala na ang paaralan ay isang lugar para maghatid ng kaalaman at di para umistambay kung saan-saan.

 

Mga estudyante nga naman.Minsan walang pakialam sa paligid. Suwayin man ang batas magawa lang ang gusto.

 

Ngunit, lahat ng ito ay may kaakibat na konsensya. Paano na ang mga nagtitiis na magulang mapag-aral lamang ang anak? Anong mararamdaman ng magulang kung hindi naman pinahahalagahan ng anak ang sakripisyo nila? Sila lamang ang makasasagot niyan.

 

Alam ko, isang araw, mamumulat din sila sa katotohanan na ang pangarap nila ay mas mahalaga kayasa ginagawa nilang walang katuturan at mapagtanto nilang mas makabubuti ilaan ang oras sa mabuting gawain na alam nilang magbibigay ng liwanag at tamang direksyon.Ngunit sana... habang maaga pa.

 

 

***

 


Ilusyonado… Ambisyoso!!!

 

            “Hoy Totoy Gising na! Oras na! Anu ba?” Oh, diba hi-tech ang alarm clock ko kung ang iba may Kring… Kring… Kring… o kung ang iba may Tiktilaok!! Ako, imbento pa yan ng scientist ng buhay ko, oh hi-tech diba! Ngunit ang tinig at sigaw ni Darna, sa a’kiy di uubra, mas lalo pa akong aantukin kasabay ng malamig na simoy na hangin, a’koy hihimbing. At ngayon ako’y nakatulog na nang malalim.

 

            Pagsara ng aking mga mata, oras ay nag-umpisa na sa muling pagpatak at pag-ikot. Ahy, ang araw ay tirik na, sinilaw ako nito’t a’koy nagising. Aaahhh! Late na naman ako! Akala ko kasi pag muli kong isasara ang mga mata ko, titigil ang pagpatak ng oras eh! Ay naku! hindi pala! (Ilusyunadong… Ambisyoso toh, pre… mga pare, tol…) Bumangon ako na may tatak ng mapa ng Pilipinas na bakas sa aking natuyong laway. Mga muta ko’y pinuno ang gilid ng aking eyes. Na may isang fashionable na hairstyle.

 

            At heto na ako, Blue! Red! Green!... Zaido!! Sugod sa hapag-kainan sabay lamon. “Ma, pengeng tubig. Ma…ehem, ehem… ma, nabubulunan na ako, dali!” (Aba nag-ambisyon ang bida, duhh) Bigla-biglang isang kotong ang sa aki’y lumanding… Aray naman nay! Nay naiihi na ako at napupupu pa ako… (Duhh anong feeling mo Totoy, sasa ka neh feeling mo nasa inay mo ang mga paa mo para makapunta ka sa CR) KOTONG ulit ang lumanding sa akin. Okey! Sugurin ang CR! Maghasik ng lagim! Hay naku! Lagot napaihi na ako sa aking pantaloon (yuck!)

 

            Hindi ko na alam ang uunahin, kung magbubuhos ka ng tubig sa katawan o uupo sa trono’t maglalabas ng hinanakit ta sama ng loob sa madaling salita, magbabawas ako ng -----------Puuut! (ano iyon?) Ang baho ng utot ko nakaka-suffocate!... (Iwwww!) Tubig! Tubig! Bakit walang toooobiiiieeg! Tubig! Ay naku busit! (Ay, nako neh!)

 

            At ngayon, pagbibihis naman ang aking susuungin. Mga butones ko’y nangangalaglag sa sobrang pagmamadali. Naku lagot 5 minutes na akong late… 5 minutes and 1 hour, suot sapatos, suot medias, ay baligtad! Suot pantaloon, suot t-shirt, suot polo!... I’m ready! Lilipad na ako! Captain Barbell! “Ma paabot ng bag!” Aray, kotong na naman ang umabot sa akin, ito na ang ibinaon ko… Eeehh… ma, ako na lang nga! Heto na ako! Muling raratsada!

 

            Ako’y malapit na sa school ngunit pagtingin sa aking ID… Aaahhh! Babalik na naman ako. Busit ID ko, inuutusan kita! Mag-transport ka nga dito Psssst… punta ka rito! (Ang feeling nito! Feeling lalapit ang ID duhhh!) At again and again takbuhan na naman patungo sa bahay. “Ma, paabot naman ng ID ko!” Eeengg… isang kotong ulit ang bumagsak sa akin. (Yan bagay! Feeking kasi wehh!) Ako na lang nga! Spider web! Go spidy! (Hay, nag-ambisyon na naman.)

 

            Hala! late na late na talaga ako! (Buti napansin mo dong! 1 minute ka lang namang late! One minute and one hour!) Heto na ako raratsada! Ding ang bato! Darna! At ayun humaripas si Totoy ng takbo… halos maligo na saya sa pawis. Sa wakas nandito na me! Go Totoy! Go!

 

            At pagpasok niya sa silid-aralan, nagte-test pala silang lahat at nagkataong Ang masungit naming titser ang kanyang nakasalubong… “ Totoy, you are late! You know what to do diba? GO OUT! I said you go out, go Totoy!” Walang ibang nagawa si Totoy, umexit nalamang siya sa eksena’t umuwi sa bahay! (Ay sayang naman ang effort!!) Pagdating sa bahay, kotong ang sumalubong sa kaniya.

           

Kawawang Totoy…

 

***


 

SPECIAL FEATURE

 

            “RAPublic of the Philippines

 

            Rap songs –mula noon hanggang ngayon ay isa ang kategoryang ito sa mga tugtuging sariling atin. Para sa mga kabataang “G” o gangsta sa literal na kahulugan, hindi ito nalalaos. Sabi nga nila, “Andyan lang yan, hindi mo napapansin, pero hindi nawawala”.

 

            Karamihan ng mga kabataan ngayo’y ito ang pinapakinggan. Masarap isipin na sa ganitong paraan nakikitang may “laban” ang gawang pinoy sa mga gawang banyaga, ngunit sa isang banda mayroon pa rin mga masasakit na salita. Ang mga ganitong tugtugin daw ay masakit sa tenga, puro kabastusan ang laman at palaging walang kwenta… “R&B” yan daw ang gusto nila. Pang-adik daw ang RAP. Bilang isang kabataan ay isa ako sa nawiwili at nalilibang sa Rap. Kung pakikinggan nating maigi aling nga ba ang mas masakit sa tenga? Bakit hindi natin ikumpara?

 

Fuck what I said it don’t mean shit now

Fuck the presents might as well throw em out

Fuck all those kisses, they didn’t mean jack

Fuck you, you hoe, I don’t want you back…

 

 

                - Eamon –

                (Fuck It)

 

Kung pwede lang bayaran ang kapayapaan

Lahat ng aking yaman, ilalaan ko para d’yan

At kung kinakailangan na magbuwis ng buhay

Aking gagawin, kung hihingin ibibigay…

 

                  -Crazy Mix-

                  (Ugat ng Digmaan)

 

            Beatbox, ingay, sound effects…halos magkapareho lang ang R&B at Rap songs. Mas astig daw at cool ang R&B songs (kase nga naman gawang Hollywood) samantalang Rap songs binabasura (local daw!), masakit sa tenga. Kung tutuusin mas makabuluhan at mas may aral ang Rap songs, kung atin lang papaka-pakinggan.

 

            Likas daw sa tao ang pagiging mapanghusga pero sana isipin natin bago tayo magsalita. Hindi lahat ng maingay, masakit sa tenga. “Hindi lahat ng imported maganda”. Dekalidad din naman ang mga gawang Pinoy diba? Tumahimik ka muna’t pakinggan. Bago magbitaw ng salita na kung minsan nakakasakit na nang hindi mo namamalayan. 

 

 


Ngayon, nagkaroon ng 13 visitors (16 hits) sa pahinang ito.
 
TINIG: Tomo VI | Blg. 1

NR - Tinig 2008

Powered by:
DTZone Network, Inc.

 
=> Do you also want a homepage for free? Then click here! <=
TINIG: The Official Student Publication of Mabalacat National High School -- Mabalacat, Pampanga, Philippines | All Rights Reserved October 2008 by Mikel Leroi Balansag [hOmEpAgE : www.MikelBalansag.tk]